19 grupo pa out sa 2013 partylists elections

MAY 19 na karagdagang mga grupo ang di papayagan ng Comelec na makalahok sa party list elections sa susunod na taon.

Ang 14 sa mga ito ay napag-alamang dati nang tumakbo sa party list elections pero tinanggalan ng accreditation.

Kabilang dito ang Cocofed, Aama, Bayani, Abang-lingkod, Aani, A-ipra, Ame, Greenforce, Firm 24-K, Alim, Alma, Kaagapay, Anad, Smart.

Hindi rin pinayagang makalahok sa partylits elections ang dalawang grupo ngunit pinananatili ang pagkilala bilang mga political party .

Kabilang dito ang Kabaka (retain as political party, manifestation of intent to participate denied)  at  Alliance of Bicolnon party (manifestation of intent to participate denied).

Tatlo naman ang mga bagong aplikante na di binigyan ng accreditation kabilang ang Kalikasan,  A-seamariners at Edsa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply