19 parak sinibak, iba pa pinarusahan ni Espina

NCRPO, Taguig City – Labing-siyam na scalawags in uniform ang sinibak sa tungkulin habang ang iba pa ay pinarusahan ng demotion at suspension ni National Capital Region Police Chief P/CSupt. Leonardo Espina sa ibinabang bagong order noong Nobyembre 07, 2012.

Sa nilagdaang kautusan ni Gen. Espina kaugnay ng pagpapatupad ng disciplinary action doon sa mga nakabinbin kaso ng grave misconduct mula noong Setyembre 7 hanggang Nobyembre 12, umabot sa 58 ang mga pulis na tinanggal sa serbisyo habang 15 naman ang ibinaba sa mga ranggo at 26 ang sinuspindi.

Alinsunod sa NaPolCom Memorandum Circular No. 2007-001, kabilang sa 58 pulis na sinibak sa tungkulin ay kinilala ni Gen. Espina na sina PO3 Ricardo N. Ailes at PO1 Herminigildo Gajeto, kapwa nahaharap sa kasong irregularities in the performance of duty, illegal arrest at extortion, PO1 Roberto Cruz nahaharap sa kasong rbbery in band in relation to R.A. 7610 or child abuse, PO1 Vincent Paul Medina, SPO1 Cirilio C. Zamora at PO1 Norlito Daguman  na nahaharap sa kasong robbery extortion, SPO1 Froilan Pontivedra, nahaharap sa kasong malversation of public property, SPO1 Agustin Villanueva  na nahaharap sa kasong commit any act or omission that constitute a crime punishable under the Revised Penal Code or Special Laws, PO3 Reynaldo N. Angeles na nahaharap sa kasong lost of one unit Motorola handheld radio entrusted to him for official use, PO2 Rolando R. Manipolo at PO1 Robert Ryan R. Noe  na kapwa nahaharap sa kasong frustrated homicide and serious physical injuries.

Idinagdag pa ni Gen. Espina na kabilang din sa mga sinibak sa tungkulin ay sina PCINSP Reynante G. Ibon na nahaharap sa kasong murder at attempted murder, PO1 Bernandino Meneses na nahaharap sa kasong murder at violation of Presidential Decree 1866 as ammended by R.A. 8294, PO3 Gerardo R. Javier na nahaharap sa kasong grave misconduct, PO1 Sieroma F. Prudente, PO1 Julius B. Enderio, PO3 Pacholo R. Nang, PO1 Abdulah M. Ontuwa at PO1 Eric Raz Nicodemus na nahaharap sa kasong serious neglect of duty o AWOL.

Ibinulgar pa ni Gen. Espina ang ginawang katiwalian din ng isang pulis na nakilalang si PO1 Vincent Paul Medina, na inireklamo ng dalawang Korean nationals na sina Baek Sung Kyun at Lee Jun Hee na naghain ng reklamo dahil sa ginawa nitong illegal na panghuhuli sa kanila kung saan ay tinakot umano sila ng naturang pulis na ikukulong kapag hindi nagbigay ng halagang P15,000.00 kapalit ng kanilang kalayaan.

Halos ganito rin ang reklamong ipinarating ng isang nagngangalang Acmad D. Alandoni sa tanggapan ni Gen. Espina tungkol sa extortion activity na kanyang dinanas mula kay SPO1 Cirilio C.Zamora at PO1 Norlito Daguman kung saan ay nahuli ang mga ito sa inilatag na entrapment operations ng Regional Police Intelligence and Operations Unit-Regional Intelligence Division  (RPIOU-RID) sa harap ng Stall A-09 Good Shepherd, Brgy. BF Homes, Paranaque City noong nakaraang Oktubre.

Samantala, pinangalanan din ng heneral ang limang pulis na binawasan ng isang antas ang kanilang mga ranggo na sina SPO3 Jesus D. Acuna na nahaharap sa kasong slander/oral defamation, PCInsp. Eduardo S. Villanueva na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, PO2 Romualdo A. Dimala na nahaharap sa kasong neglect of duty or non-feasance, SPO1 Danilo Esparza na nahaharap sa kasong abuse of authority at PO3 Romel Apanay na nahaharap sa kasong serious neglect of duty.

Sinuspinde rin ng pamunuan ng NCRPO ang dalawamput-anim na pulis na nahaharap sa iba’t ibang kasong administratibo na kinabibilangan nina PO1 Sonny DR Merino, PO3 Eduardo N. Lagata, PO1 Jeremy Oliver L. Felix, PO1 Joson Cani Vega, PO2 Rustico B. Solomon, SPO1 Guimar M. Nadera, SPO1 Michael D. Sioson, PO1 Hector Tejada, SPO1 Andres R. Aserit, PO2 Saniel Cristobal, PO1 Joseph DC Navigar, PO1 Alex Victor M. Noveloso, PO1 Manolito Alcala, PO1 Carlito R. Reguirre, PO2 Roland Garcia, PO1 Joanna N. Martinez, at PO1 Viviencio B. Esparago Jr.

Binigyang diin ni Gen. Espina na hindi mangingimi ang kanilang pamunuan na sibakin sa tungkulin ang sinomang pulis na mapapatunayang sangkot sa katiwalian.

“Walang karapatang manatili sa hanay ng kapulisan ang mga bulok na pulis!” Aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply