“Dagit 2012” ng Navy, Air Force magsisimula sa Nob. 12

PORMAL na bubuksan ng Philippine Navy (PN) at ng Philippine Air Force (PAF) ang ika-anim (6) na annual joint unilateral exercise na pinangalanang “DAGIT 2012” sa Nobyembre 12, 2012 sa PAF Third Air Division Multi-Purpose Hall sa Zamboanga City.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Marine Colonel Omar Tonsay, ang komprehensibong pagsasanay ay gaganapin sa loob ng limang (5) araw (Nobyembre 12-17, 2012) sa Zamboanga City at karatig na lugar at bubuuin ng iba’t-ibang inter-operability exercise (IOX) sa pagitan ng PN at ng PAF.

Nabatid na ang pagsasanay ay naglalayong palakasin ang competencies at capabilities ng mga kalahok na PN at PAF personnel para sa Joint Air-Surface Operations at Senior Leader’s Forum. Naglalayon din itong magsisikap na subukin at analisahin ang response mechanism ng PN at PAF units para sa Coast Watch System (CWS) at sa Maritime Domain Awareness (MDA).

Sinabi pa ni Tonsay na kabibilangan din ang exercise ng testing at assessment ng tactical level communications sa pagitan ng PAF at PN assets, kasama ang pagpapalakas ng mutual relationship at camaraderie sa mga kalahok na PAF at PN personnel.

Ang IOX DAGIT 2012 ay isang joint unilateral exercise na magpapaigting ng interoperability at operational capacity ng PN-PAF units sa joint maritime operations bilang pagsuporta sa mga operational requirements ng Unified Command ng AFP sa paglulunsad ng iba’t-ibang tungkulin.

Ito ay idaraos mula 12 hangang 17 ng Nobyembre 2012 sa Western Mindanao Area of Responsibility (AOR) partikular sa Zamboanga City.

Ang exercise ay bubuuin ng tatlong (3) bahagi kung saan ang Phase 1 o ang Preparation Phase ay kabibilangan ng coordinating conferences, schedule of events development, logistics fill-up, at administrative preparations.

Sa kabilang dako, ang Phase 2 o ang Exercise Phase ay kabibilangan ng Opening Ceremony, subject matter expert exchanges (SMEE’s) at practicals, Air-Ground Operations Seminar, Close Air Support, Heliborne Operations, Aerial Spotting, Communications Exercise, Maritime Surveillance Exercise, Search and Rescue Exercise, Maritime Interdiction Operations Exercise, at Casualty Evacuation Exercise.

Ang pinal na bahagi o ang Termination Phase ay kabibilangan naman ng sporting events, hotwash, at ng Closing Ceremony.

Kabibilangan din ang exercise ng limang (5) barko at isang Islander aircraft mula sa PN, anim (6) na aircraft mula sa Air Force, at mga special operations at support units mula sa Navy at Air Force. Ito rin ay kabibilangan ng may 200 na tauhan mula sa Navy, 124 mula sa Air Force, at 20 mula sa mga observers na galing ng AFP Joint Staff for Training, AFP Joint and Combined Training Center at staff ng Western Mindanao Command.

Ang Commander ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) na si Rear Admiral Armando L Guzman ay itinalaga ni Admiral Pama bilang PN Officer Conducting the Exercise kasama ang NFWM Deputy Commander for Fleet Operations na si Navy Captain Rafael G Mariano bilang Co-Exercise Director (EXDIR). Sila ang mangangasiwa ng partisipasyon ng Navy sa pagsasanay. Napagtayo na sila ng isang Exercise Headquarters Directorate upang magbigay ng command and control para sa PN contingent ng exercise. Ang iba pang mga detalye ng pagsasanay ay maaring isangguni kay Ensign Robart Anthony Z Toribio, ang PN Exercise Directorate Headquarters Public Affairs Officer sa Zamboanga City na may telepono bilang 09055144880.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply