1M katao dumagsa sa Manila North Cemetery

NAKAPAGTALA na ng halos 1 milyon indibidwal na dumalaw sa mga oras na ito sa Manila North Cemetery na kilalang isa sa pinakamalaking sementeryo sa bansa .

Base sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 900,000 na ang dumagsa kung saan kada minuto ay 500 katao ang pumapasok at nakikipagsigsikan sa pagdagsa ng mga tao sa sementeryo sa kabila ng init ng panahon.

Nabatid na kakaunti naman ang lumalabas at aasahin pa rin na madaragdagan pa ang bilang ng mga taong papasok hanggang mamayang gabi.

Sa kabila ng mga paalala ng pulisya, marami pa rin ang nahuhulihan ng mga alak kung saan inilalagay pa ito sa bote ng  mineral water sa pagbabasakaling makakalusot ito.

Gayundin ang mga matatalas na bagay at sinturon kung saan delikado umano ang mga buckles nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply