2-anyos anak na babae, tinaga, sinaksak ng sariling tatay

crime9

GINAGAMOT pa sa Parañaque Doctors Hospital ang 2-anyos na batang babae makaraang pagtatagain, saksakin at sunugin ng kanyang sariling ama sa ulat ng pulisya ngayon lamang.

Nabatid na habang natutulog ang biktima sa kanilang bahay sa Lot 21, Block 1 El Dorado St., Barangay Don Bosco, Parañaque nang kargahin siya ng suspek na si Mark Palabos, 31, tindero ng manok saka pinagtataga sa hindi pa malamang dahilan.

Apat na taga sa leeg ang natamo ng bata na inilabas pa ng kanyang ama sa labas ng kanilang bahay saka pinagsasaksak.

Nang makita ng suspek na susugurin siya ng kanyang mga kapitbahay ay sinilaban naman nito ang isang motor, na ikinalapnos naman ng braso ng bata.

Sa nakita ay pinagtulungan nang arestuhin ng kanyang mga kapitbahay si Palabos na ngayon ay hawak na ng mga pulis habang agad na isinugod sa pagamutan ang biktima.

Sa pahayag ng misis ng suspek, ilang araw na raw niyang nakikitang waring wala sa sarili ang mister.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply