2-anyos na tinaga, sinunog ng tatay ligtas na

WALA nang mahihiling pa sa darating na Pasko ang ina ng 2-anyos na batang babae dahil tila ibinigay na ito sa kanya makaraang mailigtas sa tiyak na kamatayan makaraang pagtatagain sa batok at silaban sa braso ng sariling ama, nitong Lunes sa Parañaque City.

Nagpapagaling na makaraang ilipat sa Philippine General Hospital ang biktimang si Sarah Nieva Depalobos na nagtamo ng kabuuang apat na taga sa batok at iba pang parte ng katawan.

Sa kabila naman ng paghilom ng mga paso at sugat sa katawan, sinabi ng mga mangagamot ng PGH na mas mahirap pagalingin ang matinding trauma na inabot ng biktima sa kamay ng mismo ng ama na si Mark, 31-anyos.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Paranaque detention cell ang suspek na sinampahan na ng kasong frustrated parricide.  Inaalam naman ng pulisya kung totoong may diperensya sa pag-iisip ang suspek dahil sa hindi naman ito nakainom ng alak o nasa impluwensya ng droga nang gawin ang krimen.

Ayon sa ina ng biktima na si Aileen Frisco, posibleng selos ang dahilan ng pagwawala ng kanyang kinakasamang si Mark makaraang madiskubre nitong meron itong Facebook account.

Mula noon, naging balisa na palagi si Mark at hindi makausap ng maayos.

Nabatid naman na nais umanong makausap ng suspek ang kinakasamang si Aileen upang humingi ng tawad at umaasa na magkakaayos pa silang pamilya.

Matatandaan na pinagtataga ng suspek ang sariling anak sa kanilang bahay sa Brgy. Don Bosco, Paranaque at sinilaban pa ang kaliwang braso ng paslit makaraang sunugin ang sariling motorsiklo.

Nailigtas naman ng mga kapitbahay ang bata sa kamay ng suspek nang kuyugin ang huli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply