2 brgy officials todas sa vehicular accident

TODAS ang dalawang incumbent barangay official makaraang maaksidente sa Maharlika highway sa Brgy. Divino Rostro, San Andres,  Catanduanes.

Ayon kay P/Supt. Renato Bataller, tagapagsalita ng PNP regional command V, naganap ang aksidente pasado alas-3:00 ng madaling araw habang sakay ng single motorcycle na minamaneho ni Kagawad Norvin Baynosa 35, may asawa, at biglang bumangga sa punongkahoy.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay  nahulog sa kanal ang kanyang angkas na si Eddie Samonte, 56, may asawa.

Agad na isinugod sa ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Baynosa habang alas-10:00 ng umaga naman nang bawian ng buhay si Samonte habang nilalapatan ng lunas.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng aksidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply