2-day liquor ban sa Cabanatuan, Nueva Ecija, ipapatupad ng Comelec

IPATUTUPAD ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang araw na liquor ban sa Cabanatuan, Nueva Ecija mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1.

Ang liquor ban ay bilang paghahanda sa plebisito na gagawin para maratipikahan ang pagiging ‘highly urbanized city’ nito sa Disyembre 1.

Sakaling maaprubahan, ang Cabanatuan City  ang ikatlong siyudad sa Central Luzon na maituturing na ‘highly urbanized city’.

Una nang nasama sa listahan ng liqauor ban ang Angeles, Pampanga at Olongapo, Zambales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply