2 driver todas, 2 angkas kritikal sa banggaan ng motorsiklo

AGAD na nasawi ang dalawang motorcycle driver habang nasa malubhang kalagayan ang angkas ng mga ito makaraang magsalpukan sa Maharlika Highway, Brgy. San Agustin, Tiaong, Quezon kagabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Arvin Niego, 21; at Harvey Ramos, 14 at nasa kritikal na kalagayan ang mga angkas ni Niego na si Gilbert Villarosa at angkas naman ni Ramos na si JV Rivera.

Nagsalpukan ang dalawang motorsiklo bandang alas-10:00 ng gabi at kasalukuyan pang inaalam ang dahilan ng banggan.

Habang ginagamot naman ang mga sugatan sa ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply