2 ‘epal’ streamer, ibinandera sa La Loma

SA kabila ng panawagan ng awtoridad sa mnga epal na politiko na huwag mangampanya sa Araw ng Undas, isang malaking streamer na may pangalan at mukha ng dalawang politiko na ikinasa sa main entrance ng La Loma Catholic Cemetery ang sumalubong sa mga taong bibisita sa puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay kaninang umaga.

Bagama’t hindi naman ito ipinagbabawal sa batas, halatang hindi nakatiiis ang dalawang pulitiko na hindi binanggit ang mga pangalan na samantalahin ang naturang okasyon para ibandera ang mga tarpaulins at streamer na may pangalan at mukha nila sa mga pampublikong sementeryo na isang klase ng maagang pangangampanya.

Nito lamang nakaraang Miyerkules, matatandaang pinaalalahan ni Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr. ang mga politiko lalo na ang lalahok sa Midyear 2013 election na huwag putaktihin ng mga tarpaulins at streamer ang mga sementeryopara lamang sa sariling interes.

Hinikayat din ni Brillantes, ang mga botante na huwag na lamang iboto ang mga kandidatong naglagay ng mga tarpaulins o streamer sa sementeryo.

Libo-libong mga tao ang ngayon ay dumagsa sa mga pampublikong sementeryo sa Quezon City na tatagal ng hanggang mamayang madaling araw o umaga pa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply