2 GRO tumilapon na, nasagasaan pa ng trak, todas

NASAGASAAN ng isang trak ang dalawang guest relation officer (GRO) matapos tumilapon sa kani-kanilang sinasakyang motorsiklo na nagkabanggaan habang nagkakarerahan sa Cauayan City, Isabela nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa katawan ang mga biktimang sina Mylene Abong, ng Las Pinas City at Natasha Mae Manuat ng Cainta, Rizal.

Nagtamo lamang ng galos at sugat ang dalawang drayber ng motorsiklo na sina Oscar Mariano ng San Isidro, Isabela at Joel Agustin, 33-anyos residente ng Bagong Sikat, San Mateo at maging ang backrider nitong  si Michael Bartolome.

Nahaharap naman sa kasong 2 counts ng reckless imprudence resulting to homicide ang tsuper ng Isuzu Elf truck na si Jonifer Calaur, 41-anyos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas  7:30  nitong Linggo ng gabi sa isang bisinidad sa national highway ng Cauayan City.

Bago ito, nagkakarerahan ng kani-kanilang motorsiklo sa naturang national highway sina Mariano at Agustin habang sakay sina Abong, Manuat at Bartolome.

Sa hindi pa malamang dahilan, biglang nagbanggan ang dalawang motorsiklo kaya tumilapon sa ere sina Abong at Manuat at sa kamalasan ay nasagasaan ng trak na minamaneho ni Calaur na nasa kabilang kalsada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply