2 hinihinalang salvage victim napulot sa Brgy. UP Campus

crime3

NATAGPUAN ang dalawang hinihinalang salvage victim sa Barangay UP Campus, Quezon City, kaninang madaling araw.

Inilarawan lamang ang mga biktima na nasa edad 50 hanggang 55 anyos at may mga tattoo sa katawan.

Sa ulat sa radyo, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ang mga bangkay na nakasilid sa garbage bag.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, namatay ang mga biktima dahil sa tinamong saksak ng ice pick at sakal sa leeg.

Dinala na sa St. Rafael Funeral Parlor ang bangkay ng dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply