2 holdaper tiklo sa Caloocan

behind-bars

TIMBOG ang dalawang holdaper na magkasunod na nangholdap sa isang sekretarya at negosyante sa magkahiwalay na oras at lugar sa Caloocan City, kahapon (Nobyembre 28).

Nakilala ang mga suspek na sina Nomelito Dela Torre, 29 ng Phase 5, Bagong Silang at Mark Anthony Casila, 24 ng DM Cmpd., Heroes Del 96 kapwa ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, sakay ng tricycle ang negosyanteng si Melinda Reyes, 39 nang sumakay din ang mga suspek at pagsapit sa C. Cordero St., ay naglabas ng baril ang mga suspek at tinutukan ang biktima.

Kinuha ng mga suspek ang gintong singsing ni Reyes na nagkakahalaga ng P10,000 at dalawang cellphone at saka tumakas.

Nakahingi naman ng tulong sa mga pulis ang driver ng tricycle na hindi nakuha ang pangalan na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek.

Nabawi ang mga tinangay sa biktima habang nakuha rin ang dalawang baril na gamit sa panghoholdap ng mga suspek.

Sa presinto, lumutang ang sekretaryang si Everlyn Grace Sevilla at positibong itinuro ang mga suspek na nangholdap din sa una sa parking space sa Victory Mall sa Monumento ng lungsod dakong alas-11:00 ng umaga.

Nakuha kay Sevilla ang gintong singsing, gintong kuwintas at gintong bracelet at cellphone na aabot sa halagang P40,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply