2 kalaboso sa pekeng pera

crazy

KALABOSO ang dalawang hinihinalang miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pekeng salapi nang maaresto ng mga awtoridad makaraang mabuking ang isa sa mga suspect matapos nitong ibayad ang pekeng P1,000 sa isang tindahan kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code, illegal possession of firearm at usurpation of authority ang mga suspect na sina John Carlo Olayres, 26 ng Bicutan, Taguig City at Herwin Madrona, 22 ng Las Pinas City matapos silang madakip ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief Sr. Supt. Conrad Capa.

Nauna dito, humingi ng tulong sa mga barangay officials ang biktimang si Jose Michael Medina, 48, may-ari ng isang tindahan sa Posadas Avenue, Don Juan Subdivision, Sucat, Muntinlupa matapos na umano’y bayaran siya ng pekeng P1,000 ni Olayres nang bumili ng alcohol at chocolate drink sa kanya dakong alas-3:30 ng hapon.

Kaagad namang humingi ng tulong kina SPO3 Wilfredo Ronquillo at SPO2 Servillano Malarasta ng Sucat police community precinct ang mga opisyal ng barangay na naging dahilan ng pagkakadakip sa dalawa.

Nakuha kay Madrona ang isang kalibre .45 baril at ID ng PNP habang si Olayres naman ang itinurong nagbayad ng pekeng salapi.

Inaalam pa ni Sr. Supt. Capa ang natanggap na impormasyon na galing sa isang sindikatong naka-base sa Las Pinas ang pinagmumulan ng pekeng salapi na ibinayad ni Olayres.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply