2 huli sa pagtangay ng motor sa Caloocan

behind-bars-2

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos tangayin ang motorsiklo ng binata at mahulihan pa ng shabu sa Caloocan City kahapon, Nobyembre 12.

Nakilala ang mga suspek na sina Artie Antalan, 34; at Genesis Meneses, 30 kapwa ng Tala ng lungsod.

Laking pasasalamat naman ni Gilbert Sagum, 32 ng L. Nadurata at hindi tuluyang natangay ng dalang Yamaha Nouvo (3286-TM).

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang iparada at iwan ng biktima ang motorsiklo sa tapat ng isang kilalang drugstore sa Monumento ng lungsod para bumili ng gamot.

Pagbalik ng biktima ay nakita niya ang mga suspek na papaalis na dala ang kanyang motorsiklo kaya’t nagsisigaw siya at nakatawag ng pansin sa mga rumorondang pulis.

Napigilan sa pagsibat ang mga suspek at nahulihan pa ng dalawang sachet ng shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply