2 kelot binistay ng bala

TAGUIG CITY – Isang kalunos-lunos na tagpo ang tumambad sa mata ng mga nagrespondeng pulis matapos na matagpuan ng mga ito ang bangkay ng isang lalaki na tadtad ng tama ng bala ng baril sa loob ng bakuran ng Blk. 159 sa Barangay Central Bicutan ng naturang lungsod habang ang kasama nito ay binawian din ng buhay habang isinusugod sa pagamutan noong Martes ng umaga.

Sa ipinarating na ulat nina Investigation and Detective Management Section (IDMS) personnel PO3 Razel V. Gaspar at PO2 Allan J. Corpuz, dakong 8:30 ng umaga ng matagpuan nila ang walang buhay na katawan ng mga biktima na nakilalang si Keithderf Corpuz, alias “Komang,” 29, nakatira sa Blk. 152 Arago St., habang ang kasama naman nitong si Raymart M. Magallanes, alias “Macky,” 22, nakatira sa Ilang-Ilang st., Purok 6-C Brgy. Lower Bicutan ay dead-on-arrival sa hospital.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga pulis, napag-alaman na sina Corpuz at Magallanes ay binawian ng buhay sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang IDMS upang matukoy ang ‘di nakilalang salarin na tumakas makaraang isakatuparan ang malagim na krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply