2 kelot kalaboso sa panghoholdap ng stude

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos tutukan ng patalim at holdapin ang isang high school student sa may Sampaloc, Maynila  .

Hawak ngayon ng Manila Police District-Station 4 ang mga suspek na sina Jeffrey Denoso, 30; at Mark John Chua, 19.

Nabatid na hinoldap ng dalawa ang isang 17-anyos na estudyante na hindi na pinangalanan sa bahagi ng P. Campa St., kanto ng Espana Blvd., sa Sampaloc, Maynila habang naglalakad kagabi.

Habang nakatutok ang patalim sa biktima ay nililimas ng kawatan ang mga gamit nito ngunit masuwerte namang mayroong rumurondang awtoridad sa lugar at namataan ang pangyayari.

Mabilis na kumilos ang mga pulis at agad na dinampot ang mga suspek at dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply