2 kelot na nambiktima ng Thai national, timbog sa Pasay

NASAKOTE ng mga tauhan ng Pasay City police ang dalawang lalaki sa isang check point matapos manghablot ng bag ng isang Thai national kagabi sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ni Pasay City Police Chief, OIC Superintent Samuel Turla, ang mga suspek na sina Eduardo Fontanilla alyas “Bong”,. 33, at Alfredo Betillo, alyas “Tata’ 33, kapwa residente ng No. 2449 Mangubat St., ng naturang lungsod.

Ang dalawang suspek ay inaresto kaugnay sa paglabag RA 10054 (Helmet laws) sa isinagawang checkpoint ng mga tauhan ng PCP 2 sa Sen. Gil Puyat Avenue. Ang dalawang supek ay nakasakay ng isang Honda na kulay itim at pula na may plakang 2015-PP na ginamit sa panghahablot ng bag sa isang Thai national na si Waraporn Supanyee, 29 dalaga, call center agent residente ng 1719 Leveriza St., Pasay City.

Ayon kay Supt. Turla, habang nagrereklamo ang biktima sa tanggapan ng Station Investigation Division and Management Section, dumating ang dalawang suspek para maimbestigahan nang nagkataong makilala ni
Supenyee ang dalawang suspek na positibong nang-snatch ng kanyang bag.

Ayon sa biktima dakong 10:00 ng gabi naglalakad siya sa Leveriza St., nang agawin ng mga suspek ang kanyang dalang shoulder bag na naglalaman ng mahahalagang gamit at salapi.

Ang pagkaka-aresto sa mga suspek ay isa sa pagsusumikap ni Turla na masakote ang mga lawless elements na namamayagpag sa buong Pasay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply