2 kelot natagpuang patay sa Caloocan

PATAY ng ng matagpuan ang dalawang hinihinalang carnapper matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, Linggo ng madaling araw Nobyembre 25,  sa  Baragay 188,  Tala, Caloocan City.

Nabatid na ang mga bangkay ng mga bikitma ay may nakasabit na kapirasong karton at may nakasulat na “carnapper ako”. Katabi ng mga bangkay ang nakabalandrang motorsiklo.

Kinilala ang mga biktima na sina Nelbert Maglayan, y Villanueva, 28, may asawa, at si Argie Cabrera Jr, 25, pawang mga taga-Phase 6 Brgy 178, Camarin, Caloocan. May mga tama ng  kalibre 45 baril ang mga biktima sa iba’t-ibang  parte ng katawan.

Palaisipan naman sa mga awtoridada kung sino ang mga salarin.

Nakarekober ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang isang motorsiklo na may palakang 3225-X I  at dalawang deformed na kalibre 45 sa pinangyrihan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung sino ang mga salarin at nagsabit ng nasabing karatula sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply