2 lola todas sa wild mushroom soup

SACRAMENTO, California – Kaagad natigok  ang dalawang lola habang apat pang residente ng isang elderly care center sa California, USA ang naospital nang malason sa paghigop ng sabaw na mula sa poisonous wild mushrooms kaninang umaga (Nobyembre 13).

Dead on the spot sanhi ng pagkalason sina Barbara Lopes, 83 at Teresa Olesniewicz, 73, kapwa pasyente sa Gold Age Villa sa Loomis, California.

Isinugod naman agad sa ospital ang apat pang pasyente ng nasabing care center kabilang ang isang caregiver na nagluto mismo ng sinabawang may lason na kabute.

Ayon sa ulat, pinitas ang kabute ng naturang caregiver na hindi nakuha ang pangalan  sa gilid ng nasabing living center at saka iniluto.

Sinabi naman ni Sheriff’s Lt. Mark Reed na aksidente lamang ang pagkalason ng mga biktima dahil dati na silang namimitas ng mga kabute sa likuran ng kanilang care center para kainin.

Hindi naman natutukoy pa kung anong variety ng nakakalasong kabute ang nakain ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply