2 lolo na sinalvage, isinako sa QC

crime3

DALAWANG hindi nakikilalang lolo ang pinakahuling biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang madaling araw (Nobyembre 29).

Isa sa mga biktima ay inilarawan na 50-anyos, 5’3 at may saksak ng ice pick sa iba’t ibang parte ng katawan. Nababalutan din ang mukha nito at dalawang kamay ng masking tape.

Ang isa naman sa sinalvage ay tinatayang 55-anyos, 5”4 at may saksak din sa iba’t ibang parte ng katawan at may senyales na ito ay sinakal pa.

Kapwa natagpuan ang dalawang bangkay dakong 5 ng madaling araw na nakasilid sa isang itim na gabage bag at inabandona sa University of the Philippines (UP) Arboretum Forestry, sa Barangay UP Campus, Quezon City.

Hinala naman ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na sa ibang lugar itinunba ang mga biktima at saka itinapon sa lugar para ilihis ang kanilang ikakasang imbestigasyon.

Noong Agosto 29 nang may natagpuang bangkay ng salvage victim sa Barangay UP Campus at hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang pamunuan ng QCPD para ito ay mapigilan.

Sa dami na rin ng mga natagpuang salvage victims sa nasabing lunsod na tinaguriang salvage capital of the Philippines, ay wala pa rin napaparusahan ang QCPD na mga indibidwal na nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply