4 arestado sa aborsyon sa Cagayan

TIKLO ang apat katao na sangkot sa kasong aborsiyon kabilang ang dalawang manghihilot at magkasintahang estudyante sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Nadakip ng PNP at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Claveria ang mga suspek na manghihilot na sina Leticia Ibara, 70; at Carmen Krusado, 76, ng Brgy. Taggat, Claveria.

Tiklo rin ang magkasintahang sina Christian Agbayani, 19 ng Brgy. Luzon, Claveria at Charmaign Jane Ilacas, 18, ng Peñaweste, Gattaran, pawang mga estudyante.

Ayon sa pulisya, naabutan ng mga awtoridad na magpapalaglag ang dalawang buwang buntis na si Charmaign at naabutan pa ng mga ito ang fetus na tinanggal ng mga manghihilot.

Nakuha sa bisinidad ang mga guwantes, gunting at mga halamang gamot na ginagamit pampalaglag ng sanggol.

Nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad sa karumal-dumal na gawain ng dalawang manghihilot kung kaya nilusob ang naturang lugar.

Kasong intentional abortion ang kakaharapin ng mga suspek kasama ang magkasintahang estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply