2 medical mission member, nalunod sa ilog

dead

NALUNOD ang dalawang miyembro ng isang medical mission sa isang pamosong ilog sa Palawan province habang nasagip naman at nai-revived ang isa pa nitong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya kaninang umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Julie Sultan, isang dentist at ang dental aide nitong si Ronald Dinio habang nabigyan naman ng first raid at nabuhay ang isa pang miyembro na si Jose Punzalan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 3:30 ng Sabado ng hapon sa mismong Underground River sa Palawan.

Bago ito, nabatid na parte ng medical mission ang mga biktima na pumunta sa Quezon town sa Palawan province.

Nagtungo ang mga biktima sa Sitio Sabang at naghihintay na masasakyan para makapunta sa Underground River, pero tinangay sila ng malakas na water current.

Ayon pa sa ulat, malakas ang hangin nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply