2 miyembro ng estribo gang, timbog sa Parañaque

behind-bars-2

DAHIL sa pinaigting na “police visibility”, arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng Estribo Gang na nanghoholdap sa mga pampasaherong jeep makaraang masita ng mga nagpapatrulyang pulis, kagabi November 13 sa Paranaque City.

Kinilala ni Paranaque Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran ang nadakip na sina Christopher Oliver Mendoza at Renato Revilla, kapwa nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat, nadakip ang mga suspek ng mga tauhan ng Paranaque Police-Intelligence Unit dakong alas-10 kagabi sa may Pelaez Street, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nabatid na nagsasagawa ng paniniktik sa naturang lugar ang mga nakasibilyang tauhan ng Intel Unit dahil sa ulat ng madalas na pagsalakay ng mga holdaper.  Naispatan ng mga pulis ang dalawang
suspek na nakatunog at kumaripas ng takbo sa pagtakas.

Hindi naman nakalayo ang dalawang suspek nang sumulpot sa unahan nila ang iba pang pulis kaya kusang-loob na sumuko na ang mga ito.  Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang isang sumpak na may tatlong bala na ginagamit ng mga ito sa panghoholdap.

Ayon kay Beltran, bukod sa panghoholdap sa mga pasahero at mga nag-iisang naglalakad sa kalsada, sangkot rin sa “akyat-bahay” ang dalawang suspek sa lungsod.  Nakaditine na ang mga suspek sa Paranaque detention cell at sinampahan na ng kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply