2 miyembro ng Waray-Waray Gang, lagas sa Pampanga encounter

crime3

NALAGAS sa engkuwentro ang dalawang kilabot na miyembro ng Waray-Waray group nang kumasa sa awtoridad sa San Fernando, Pampanga kaninang umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang suspect na sina Reynan ‘Bordado’ Delpino at isang Alyas Puti, kapwa walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 Director Senior Supt. Elmo Francis Sarona, naganap ang insidente dakong alas 10 ng umaga sa national highway ng San Fernando, Pampanga.

Bago ito, sinabi ni Sarona na nakatanggap sila ng tip na magkakasa ng panghoholdap ang mga suspect kaya nagpapunta na agad ito ng kanyang mga tauhan sa mga pangunahing kalsada sa San Fernando.

Natiyempuhan naman agad ang mga suspect na sakay sa isang motorsiklo pero nang tangkang sitahin ng mga pulis ay paputok ng baril ang isinalubong sa kanila.

Tawag ng tungkulin, gumanti ng putok ang mga CIDG operatives at maging ang Pampanga police station at sa maikling palitan  ng putok ay napatumba ang kanilang kalaban.

Sangkot din ang dalawa sa gun for hire at robbery holdup operations sa Central Luzon, partikular sa Pampanga at Bulacan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply