2 most wanted na menor de edad arestado sa panghahalay

ARESTADO ang dalawang menor de edad na nasa listahan din ng most wanted persons sa isang remote village sa Agusan del Norte nitong Martes, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon sa naantalang report na naiparating sa PNP nadakip ang dalawang menor de edad sa Purok 1, Bgry. Mat-I, na nasa nasabi ring bayan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Butuan City naaresto ang dalawa kaugnay ng rape charges in relation to RA 7610 o anti-trafficking act at wlang piyansang nirekomenda.

Pansamantalang nasa kostudiya ng pulisya ang dalawang suspek habang inaayos ang mga dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply