2 namaril sa opisina ng PDEA arestado

PDEA

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki na namaril sa opisina ng Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA) sa Misamis Oriental Provincial Special Enforcement Team (PSET) office nitong nakalipas na Nobyembre 13, 2012  sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Achmad Sangcaan, ng No. 047 Barrio Green, Marawi City; at Mark Bryan Basco ng 16B San Jorge Street, Barangay Perfecto, San Juan City.

Ayon kay Cacdac, dakong 1:15 ng madaling araw saka mabilis na tumakas sakay ng kulay puti at itim na Mitsubishi Montero Sport Utility vehicles.

Hindi pa nakontento muling bumalik ang mga suspek at muling pinagbabaril ang opisina ng PDEA.

Sinabi pa ni Cacdac na nadakip ang mga suspek sa isinagawang follow up operation ng mga  awtoridad sa parking lot ng hotel sa Tiano Gaerlan Street Cagayan de Oro City matapos positibong  kinilala ng mga witness at mga personnel ng PDEA.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga bala, dalawang kalibre .45 na baril, PNP badge sa loob ng Mitsubishi Montero Sport.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply