2 nasakote sa iligal na pangingisda

SINAMPAHAN ng kasong illegal fishing ang dalawang mangingisda na nasakote sa paggamit ng dinamita sa karagatang bahagi ng Metro Gabu sa Laoag City.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Frankie Argentera at Lester Raciles, kapwa residente ng Brgy. 34-A, Gabu Norte, Laoag City.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Laoag ang limang malaking banyera ng isdang dilis na hinihinalang nahuli sa pamamagitan ng dinamita.

Narekobre rin ng mga pulis ang pitong dinamita na inilaglag ng mga nasabing mangingisda sa ilog matapos makitang may mga pulis na nagsidatingan.

Mariin namang pinabulaanan ng dalawang nahuling mangingisda na nagsagawa sila ng illegal fishing ngunit inaming may nagsasagawa ng pagdidinamita sa kanilang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply