2 notoryus na tulak nalambat sa Pangasinan

behind-bars

DAGUPAN CITY – Dalawang notorious na drug pusher ang ang bumagsak sa kulungan matapos arestuhin ng mga police sa isinagawang buy-bust operation sa Bayambang, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ng Bayambang Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek na sina ark “BJ” Antonio at Alfie Arenas.

Sa inisyal na report ng local PNP, bago isinagawa ang nasabing operasyon, nakatanggap ang local Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na impormasyon hinggil sa illegal na drug activities ng dalawang suspek.

Matapos makumpirma ang nasabing impormasyon, agad na nakipag-ugnayan ang PDEA sa Bayambang police upang ikasa ang buy-bust operation.

Dalawang undercover agents ng PDEA Region 1 at Bayambang police ang nagpanggap ng shabu buyer sa mga suspect.

Agad namang pinosasan ang mga suspek pagkatapos iabot ang shabu sa mga awtoridad.

Nahaharap ngayon sa kasong anti-illegal drug act sina Antonio at Arenas na kasalukuyang nakakulong sa Bayambang police detention cell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply