2 obrero nakuryente

2 patay

TAGUIG CITY – DALAWANG obreror ang naagapang maisugod sa Taguig-Pateros District Hospital matapos na makuryente ang mga ito sa itaas ng gusali ng Jollibee sa panulukan ng ML Quezon Road at Gen. Luna Road, Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod noong Lunes ng umaga.

Ayon sa mga saksi ng nangyaring insidente, nakipaghabulan umano sa oras ang mga nagrespondeng elemento ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) Alpha Company ng NCRPO na maitakbo sa pagamutan ang mga biktima na nakilalang sina Randy Domingo, 27, at Joma Bayuca, 26, kapwa nakatira sa Bato-Bato St., Brgy. Dolores, Taytay Rizal at nagtatrabaho bilang mga maintenance crew ng MegaBand Agency.

Sa ulat sinabi ng mga peace keepers na dakong alas 7:30 ng umaga ng mapansin nilang abala sa pagpipintura ang grupong kinabibilangan nina Domingo at Bayuca ng bigla anilang nagsigawan sa ibabaw ng gusali ang mga nagtatrabaho doon.

Sa investigation theory ng mga pulis, may posibilidad na habang abala anila sa pagpipintura ang dalawa ay aksidenteng nasagi ng mga ito ang high voltage cord na nakalaylay sa itaas ng nabanggit na establisimyento.

Sinikap ng REMATE na makipag-ugnayan sa management ng nasabing fast food store subalit tumanggi ang mga ito na magbigay ng kanilang pahayag.

Under observation sa pagamutan ang mga nakuryenteng obrero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply