2 obrero sugatan sa sumabog na payloader

DALAWANG empleado ng Solid Waste Management sa Albay ang nasugatan matapos masabugan ng binobombang goma ng payloader kagabi.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang mga sugatang sina Archie Pangilinan at Nestor Maquiñana, taga  Daraga, Albay.

Bandang alas-6:00 kagabi  nang maganap ang aksidente habang nagpapabomba ng kanilang goma ang naturang mga garbage collector at biglang sumabog dahil sa nasobran ng hangin.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay humagis sa bubungan si Pangilinan  kasama ang goma at nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

Habang si minor injury naman ang tinamo ni Maquiñana

Wala namang planong magsampa ng kaso ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply