2 pang bangkay ng mga minero, narekober

CAMARINES-NORTE

MAKALIPAS ang 6 araw na retrieval operation, dalawa pang bangkay mula sa tatlong minero na na-trap sa gumuhong minahan ang narekober kaninang umaga (Nobyembre 26) sa bayan ng Paracale sa Camarines Norte.

Sinabi ni Paracale Mayor Romeo Moreno, na dakong alas-7:30 kaninang umaga lamang nang marekober ang bangkay ni Carlos Salen.

Samantalang alas-9:00 naman kagabi nang makuha ng mga divers ang bangkay ni Luis Sayson na kinilala mismo ng kanilang mga pamilya.

Ang katawan ng mga biktima ay parehong nakuha sa lugar na unang natagpuan ang bangkay ni Julian Cubaruvia.

Sa kabila ng trahedyang sinapit, ikinatuwa na rin ng pamilya ang pagkakarekober sa mga bangkay ng biktima.

Una nang sinabi ng opisyal na kahit tinapos na ng Office of Civil Defense ang pagtulong sa retrieval operation kanila itong ipinagpatuloy sa kahilingan naman ng mga pamilya ng dalawang minero.

Tiniyak na rin ng lokal na pamahalaan sa mga pamilya ng mga biktima ang pangako na tulong pinansiyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply