2 pang suspek target mahuli bago mailibing ang pinaslang na ABS-CBN talent bukas

TARGET ng pamunuan ng Quezon City Police na masukol ang dalawa pa sa natitirang suspek sa brutal na pagpatay sa modelo at dating part-time talent ng ABS-CBN na si Juli Anne Rodelas bago ito dalhin sa huling hantungan bukas.

Ayon kay QCPD Directorial Staff Chief Senior Supt.Neri Andal Ilagan mayroon silang tinutumbok na lugar kung saan naglulungga sina alias Efren Talib at Aldos na batay sa intelligence report ng pulisya ay nasa loob pa ng Metro Manila.

Sa hiwalay namang pahayag sinabi ni Criminal Investigation and Detection Chief Police Major Rodel Marcelo na nakatakda nilang ilabas ang composite sketch ng dalawang suspek na mas makatutulong upang makita ng publiko ang mas maliwanag na mukha ng dalawang itinuturing na gunman

Bukas ng umaga, Sabado nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Rodelas sa Golden Heaven Memorial Park sa Pulanglupa, Las Pinas City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply