Granada napulot ng 2 paslit sa lote ni ex-mayor

DALAWANG bata na nangangalakal ang nakapulot ng granada sa bakanteng lote na pag-aari umano ng dating alkalde sa Barangay Catbangen, lungsod ng San Fernando, La Union.

Habang nangungulekta umano ng basura ang mga bata na sina Grace Lobo, 7, at Roderick Cruz, 10, mga residente ng naturang lugar, nakalkal nila ang granada.

Kaagad na sinurender agad ng mga bata ang granada sa  isang barangay tanod at dinala naman ng mga ito sa mga tauhan ng San Fernando City Police Station.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakita sa granada at patuloy na inaalam kung pag-aari ito ni dating Mayor Antonio Ferraren Sr. na naging alkalde naman ng lungsod noong 1972 hanggang 1980.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply