2 patay sa inalaskang kaibigan

crime9

PATAY ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng kaibigan ng inalaska habang tumutoma sa Malabon City kagabi, Nobyembre 10.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Angelito Romero, 28 at Chops Laurence Alhambra, 24 kapwa ng Phase 3, Longos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Sonny Lora, 23, at alyas na Vincent, mga kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, dakong alas-11:55 ng gabi, kainuman ng mga biktima si Vincent sa Paros st., Longos ng lungsod nang alaskahin ng mga biktima.

Napikon si Vincent at umuwi bago nagsumbong kay Lora na naging dahilan upang balikan ang mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa TMC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply