2 Phil Navy reservist, sugatan sa aksidente

KAPWA nasaktan ang isang motorcycle rider at angkas na kapwa Philippine Navy reservist nang suwagin ng rumaragasang kotse sa Quezon City kaninang madaling-araw (Nobyembre 4).

Isinugod sa AFP Medical Center pero inilipat din sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga sugat sa katawan sina Lirio Siroy, 32-anyos at ang kaangkas nitong si Rowena Balanquit, 32-anyos, na kapwa mga Navy reservist.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District traffic sector 5 ang suspect na si Jonathan Javier na nagmamaneho ng Nissan Sentra  na may plakang (ZBD-580).

Naganap ang insidente dakong 5 ng madaling araw sa northbound lane ng Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.

Bago ito, magka-angkas sina Siroy at Balanquit sa motorsiklo at habang binabagtas ang naturang lugar  nang biglang suwagin ng kotse ng suspect.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply