2 sangay ng LBC sa Las Piñas hinoldap

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Las Pinas police makaraang dalawang sangay ng LBC ang magkasunod na hinoldap ng tatlong armadong lalaki na pawang nakasakay sa isang motorsiklo kaninang tanghali sa naturang lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang pinasok ng mga suspek ang sangay ng LBC sa Talon Uno sa Alabang-Zapote Road dakong alas-12:34 ng tanghali, tinutukan ng dalang  baril ang mga kawani at nilimas ang tinatayang P32,000 cash bago tumakas patungong Bacoor, Cavite.

Dakong ala-1 ng hapon nang pasukin din ng tatlong armadong lalaki ang isa pang sangay ng LBC sa Pamplona 2 sa Alabang-Zapote Road at tumakas, sakay ng isang motorsiklo matapos matangay ang mahigit P16,000 cash.

Ayon kay Las Pinas Police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula na sinusuri na nila ang kuha ng close circuit television (CCTV) camera sa dalawang sangay ng LBC na pinasok ng mga kawatan upang alamin kung iisang grupo lamang ang nagsagawa ng magkasunod na panghoholdap.

Nagsagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya sa Bacoor Cavite na umano’y pinagtaguan ng mga suspect matapos isagawa ang pangungulimbat.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply