2 sawa nasilo sa LRT depot sa Pasay

sawa-sa-LRT

NASILO ng mga maintenance personnel ng Light Rail Transit (LRT) sa Pasay City ang dalawang sawa.

Unang nahuli ang sawa na may habang 13.2 talampakan kahapon (Nobyembre 23) habang ang isa naman na mas maliit sa nauna ay nahuli kaninang alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na may ilang pagkakataon na rin na nakakita ng sawa sa LRT. Ilan pa umano sa mga nahuli ay malalaki gaya ng nasagasaan ng tren.

Hinihinalang galing sa isang yungib sa sapa malapit sa depot ng mga tren nagmula ang mga sawa.

Magsasagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng LRT para matiyak na wala nang makitang sawa sa pasilidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply