2 sekyu nag-agawan sa baril, 1 patay, 1 sugatan

crime7

TUMIMBUWANG ang isang security guard habang sugatan naman ang isa pa nang pumutok ang pinag-aagawan nilang baril sa Quezon Avenue, Barangay III, Vigan City kaninang umaga.

Nagtamo ng bala sa dibdib,likod at braso at namatay noon din  ang biktimang si Eris Barrel, residente ng Barangay Ubbog Kinabete, Pilar, Abra, security guard ng BQR Building.

Habang tinamaan naman ng bala sa kamay ang suspek na nakilala lamang na alyas Perilla na residente ng Barangay Capangpangan, Vigan City at security guard ng Planters Bank.

Si Perilla ay nasa kustodiya na ng PNP Vigan at nakatakdang sampahan ng kasong murder dahil may isang tama ng bala sa likod ang biktima na isang basehan kaya hindi homicide ang isinampa laban kay Perilla.

Ayon sa imbestigasyon, pinuntahan ng suspect ang ika-apat na palapag ng BQR building para komprontahin ang biktima.

Pero nang magkaharap ay lalo pang nagkainitan ang dalawa na humantong sa pambubuno sa baril ng suspect.

Ayon sa nakasaksi, naagaw muli ng supect ang kanyang baril kaya binaril niya ng apat na beses ang biktima hanggang sa malagutan ito ng hininga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply