2 siyota ng TV host kamuntik nang magsabunutan sa mall!

blind-item

SADYANG matulis ang TV host na ito kahit may edad na. Imagine, dalawang batang-batang babae ang sabay niyang sinyota- ang isa ay artista at yung isa naman ay isang executive ng kilalang malls sa buong Pilipinas.

At kaya rin pala kamuntik nang maghiwalay ang host na itetch at ang taartis na girfriend ay dahil sa huli. Nalaman umano ng girlitang artista na maliban sa kanya ay may iba pa palang kinakalantari ang boyfriend niya. Kaya nung mapatunayan nitong totoo ang tsismis dahil sa sitsit sa kanya ng isang kaibigan ay kinompronta niya si papa at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo. Pero dahil sa matamis na dila ng babaerong host, napatahimik niya ang nagwawalang GF at sila’y nagkaayos. So, yung plano ng mataray na akres-aktresan na sugurin ang girlitang karibal sa puson, este, sa puso sa pinapasukan nitong mall kung saan ang drama nila’y, ‘We’ve got it all for you’ para sabunutan ay napigilan ni faping.

Ang kawawa ay ‘yung kaibigan ng artistang tinutukoy natin na nagtsika sa kanya dahil ito raw ang sinugod nang babaeng taga-mall at tinalakan nang tinalakan.

Bakit kaya hindi mapakawalan ng host ang executive? At ito namang bata pang aktresa, bakit na-take niyang may kahati siya sa puso ng maelyang host?

***

Angel, Dingdong, Zanjoe at Angelica magsasama-sama sa ‘One More Try’

KONTROBERSYAL na cast at kontrobersyal na tema ang tampok sa pinakainaabangang dekalibre at kakaibang dramatic offering ng Star Cinema na “One More Try,” na ipalalabas na sa December 25 kasabay ng iba pang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si Ruel S. Bayani, bibida sa “One More Try” ang apat na award-winning na aktor at aktres sa bansa na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at ang Kapuso hunk na si Dingdong Dantes.

Apat na taong nagmamahal na pagigitnaan ng isang batang nasa bingit na ng kamatayan ang kwento ng “One More Try.” Masaya at kuntento na sa buhay niya ang mapagmahal na single mother na si Grace (Angel) sa piling ng kanyang anak na si Botchok (Miguel Vergara) at ng boyfriend niyang si Tristan (Zanjoe). Perpekto na sana ang lahat hanggang isang araw ay nalagay sa panganib ang buhay ni Botchok dahil sa kanyang hindi normal na kondisyon ng dugo nito. At nang matuklasang lumalala na ang kalagayan ng Botchok, wala nang iba pang mapagpipiliang gawin si Grace kung hindi muling makipagkita sa ama nito–si Edward (Dingdong).

Ngunit sa muling pagkukrus ng landas nina Grace at Edward, hindi magiging madali para sa kanila ang lahat dahil bukod sa boyfriend ni Grace na si Tristan, nasa pagitan na rin nila ang makapangyarihang asawa ni Edward—si Jacqueline (Angelica), na gagawin ang lahat upang mapangalagaan ang kanilang pagsasama.

Mas titindi ang tensyon nang malaman nina Grace at Edward na ang natatanging solusyon upang maisalba ang buhay ng ni Botchok ay magkaroon sila ng isa pang anak, at kailangan nila itong gawin sa natural na paraan. Sa sitwasyong buhay na ng isang musmos ang nakataya, maisasakripisyo ba nina Grace, Edward, Tristan at Jacqueline ang kanilang mga personal na nararamdaman? Sa muli nilang pagkakalapit, muling bumalik ang pag-ibig nina Grace at Edward sa isa’t isa? Sa huli, sino ang mananaig—si Jacqueline na gagawin ang lahat upang protektahan ang relasyon sa asawa o si Grace, ang inang gagawin rin ang lahat upang mailigtas ang anak maging ang kapalit nito ay malagay sa alanganin ang relasyon sa lalaking labis na nagmamahal sa kanya?

Kabilang rin sa cast ng “One More Try” sina Carmina Villaroel, Agot Isidro, Edward Mendez, at Ms. Gina Pareño.

Huwag palampasin ang natatanging pagsasasama-sama nina Angel, Angelica, Zanjoe, at Dingdong sa isang de-kalibreng dramatic masterpiece na “One More Try” na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko (December 25).

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply