2 snatcher kalaboso sa Kyusi

behind-bars

KALABOSO ang dalawang isnatser makaraang maaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis sa kanto ng Kamias Road at EDSA sa Quezon City.

Ayon sa salaysay ng biktima na si Romualdo De Vera, tricycle driver, nakasakay siya sa isang pampasaherong jeep nang biglang hablutin ang kanyang cellphone ng mga suspek na kinilalang sina Ricardo Versoza, 27; at Roshi Siabong, 18.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga nagrorondang pulis na mabilis namang rumespunde at hinabol ang mga tumakbong suspek.

Nabawi sa mga suspek ang cellphone ni De Vera.

Inamin naman ng mga suspek ang krimen at sinabing dahil umano sa kahirapan kaya nila nagawa ito.

Sasampahan ng kasong robbery-snatching ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply