2 sundalo inambus, kritikal sa Sultan Kudarat

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang sundalo makaraang tambangan ng mga armadong grupo sa lalawigan.

Kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Sammy Ali at Pfc. Nickerson Susaya, kapwa miyembro ng 46th Infantry Battalion ng Philippine Army na nagtamo ng malalang sugat.

Sa panayam kay PSSUPT.Rolen Dela Cruz Balquin PESE provincial dircetor ng Sultan Kudarat Provincial Police office, nagpapatrulya ang dalawa sa boundary ng bayan ng Isulan at Esperanza, Sultan Kudarat sakay sa motorsiklo nang bigla na lamang binaril ang mga ito ng dalawang suspek na nakasakay din sa motorsiklo.

Ayon sa ulat hindi nagawang makaganti ng mga sundalo nang matumba na ang motorsiklo ng mga ito.

Tinamaan si Ali sa likod habang sa tiyan naman ang tama ni Susaya.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply