2 suspect sa model-TV talent slay, binasahan ng demanda sa QC-RTC

SA ilalim ng mahigpit na seguridad, dinala kaninang umaga sa Quezon City court ang dalawang suspek sa pagpatay sa model at ABS-CBN talent na si Julie Ann Rodelas noong Nobyembre 6 para basahan ng demanda.

Ang suspected mastermind na si Althea Altamirano ay nakasuot ng malaking sun glasses at bonnet habang kasama ng mga pulis patungo sa QC-Regional Trial Court (RTC) dakong alas 9 ng umaga.

Ang isa pang suspect na si Jaymar Waradji, na ikinakasa na isang potential state witness, ay sinamahan ng mga pulis escort mula sa kanyang detention cell para sa kanyang arraignment. Nahaharap sina Altamirano at Waradji sa kasong murder sa QC-RTC Branch 223.

Kasama rin na binasahan ng demanda sa QCRTC Branch 223 ang sinasabing mastermind sa krimen na si Fernando Quiambao Jr. at Gelen Pasawilan. Matapos ang pagdinig, ibinalik agad ang tatlo sa Quezon City Jail (QCJ).

Iginiit naman ng Quezon City Police District na mananatili si Waradji sa kanilang kustodiya dahil nanangangamba ang pamilya Rodelas sa kanyang buhay.

Samantala, sinabi ng QCPD na may bagong CCTV footage na nakita sina Quiambao, Waradji, at isa pang suspect na si Efren Talib, na kumain sa isang restaurant bago dinukot si Jaja na palayaw ni Julie Ann.

Maalalang dinukot si Rodelas sa Pasay City at pinagbabaril sa Murphy, Cubao  Quezon City noong nakaraang Nobyembre 6. Inihahanda na rin ng QCPD ang kasong panggagahasa laban sa ilan sa mga suspect nang lumabas sa awtopsy report na may lacerations sa pribadong parte ng katawan ng estudyante ng Arellano Univesity.

Inaresto sina Altamirano at Quiambao sa Apalit, Pampanga, at inamin ni Altamirano na gusto lamang niyang turuan ng leksyon si Rodelas dahil sa pagkalat ng tsismis na siya ay nagdadalantao at may dalawang anak na isang malaking kasiraan sa kanyang pagmomodelo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply