2 team ng DFA, tutulak sa Egypt at Israel

TUTULAK ngayong araw ang dalawang team ng Department of Foreign Affairs (DFA) patungo sa Egypt at Israel para alamin ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa kaguluhan sa Gaza Strip.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Asec. Raul Hernandez, pakay ng grupo na tumulong sa mga embahada ng bansa, sakaling kailanganing ilikas ang mga Pilipino dahil sa kaguluhan sa Gaza Strip.

Ayon kay Hernandez, mayroong tinatayang 100 Pilipino sa Gaza Strip at ang mga ito ay asawa ng mga Palestino.

Tiniyak naman ni Hernandez na ligtas ang mga Pilipino at wala pang natatanggap na report ang embahada hinggil sa mga posibleng casualty.

Sakaling kailangang mag-evacuate, dadaan ang mga Pilipino sa border ng Egypt o kaya sa Amman, Jordan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply