2 teenager pinagsasaksak, pinatay

roger-panizal-2-pinaslang-na-babae

UTAS ang magpinsang babae matapos itong pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang salarin kaninang umaga sa Padas Alley, Dagat Dagatan, Caloocan City.

Dead on spot sa pinangyarihan na sina Diana Rose Liza y Ulam, 15 at Joana Coronado y Liza, 10 anyos, ng Lot 30 Blk 16-B ng lungsod sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:30 kaninang umaga ng maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid unang natagpuan na wala ng buha si Joana sa loob ng kubeta, habang si Diana Rose ay natagpuan naman n tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kwarto na pinaniniwalaang hinalay mun bago pinatay matapos makitang wala itong saplot na short pants at nakalislis pa ang panti nito.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad natutulog ang mga biktima ng pasukin ng salarin at pinatay muna si Joana bago pinasok ang nakasaradong pintuan ni Diana Rose sa pamamagitan ng pag akyat sa kisame

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad at agad nagpalabas ng manhunt operation si Sr. Supt. Rimas Calixto sa agarang pagkakakilanlan at ikadaraip sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply