2 tulak arestado sa Navotas

arestado

LAGLAG ang dalawang hinihinalang tulak at gumagamit ng iligal na droga sa magkahiwalay na lugar sa isinagawang pagsalakay ng mga pulis sa Navotas, kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Boy, 25 ng Market 3, Fishport, North Bay Boulevard North at alyas Conrad Lopez, 61 ng Daanghari kapwa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw, kasama ni Navotas John Rey Tiangco ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa paglusob sa mga nasabing lugar sa bisa ng search warrant na inilabas ng MTC Branch 73.

Ilang pakete ng shabu at paraphernalia ang nakuha sa mga suspek.

Nabatid na ang pagsalakay ay nagmula sa mga text sa JRT text campaign kung saan lumalabas na aabot na sa 100 ang mga nahuli sa paglabag sa droga sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply