2 uri ng mga pusakal sa lungsod ng Maynila (2)

burdado- jun briones

KAHAPON ay binanggit ko na mas pupurihin ko pa itong mga pusakal na pulis kung ang ginagawa nilang pagpatay sa mga pusakal na kriminal ay agad nilang aaminin at hindi ‘yung nagsisinungaling pa na kesyo hinarbat ng mga ito ang kanilang baril!

Dito, parekoy, makikita na ang kanilang lakas ng loob na pumatay ay tutumbasan din nila ng lakas ng loob na harapin ang anomang kaparusahan sa kanilang ginawa.

Nasa record, parekoy, ng Masbate Provincial Jail na noong ako ay niyari ng mga gagong judge na kesyo convicted ako sa “libel cases” dahil sa pagbubunyag ng mga katarantaduhan sa pamahalaan ay kusang-loob na inihatid ang sarili ko sa kulungan!

At kusang loob din akong nagpahatid sa National Bilibid Prisons para pagsilbihan ang ipinataw sa akin na sentensya.

Alam ng jailguards na ako pa ang gumastos sa biyahe namin papuntang Bilibid!

Ibig kong sabihin, parekoy, kung malakas ang loob mong gawin ang isang bagay, dapat malakas din ang loob mo na harapin ang consequences nito.

Patutunayan ko, parekoy, na talagang sinadyang patayin ng mga pusakal na pulis Maynila itong mga pusakal na kriminal.

la makapangharbat ng baril na siyang patakaran sa Amerika at iba pang matitinong bansa.

At kahit mismong ang mga preso, kung tatanungin mo, ay tiyak na papayag na sila ay iposas nang patalikod.

Kaysa naman patayin sila at palabasin na kesyo inagaw ang baril ng pusakal na pulis!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply