2 uri ng mga pusakal sa lungsod ng Maynila

burdado-jun-briones2

GALIT tayo, parekoy, sa mga pusakal na gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Dapat lang silang lipulin para mabigyan naman ng katahimikan ang sambayanan.

At hustisya para sa kanilang mga naging biktima.

Ang problema nga lang, parekoy, may mga batas tayo na
dapat sundin.

Ibig sabihin, kaya sila tinaguriang pusakal dahil ginagawa nila ang mga bagay na gusto nilang gawin at wala silang pakialam kahit labag man ito sa ating mga batas.

Pero kung ang pusakal ay basta na rin lang papatayin dahil sa kagustuhan lamang ng mga pulis na sila ay patayin kahit alam talaga nila na labag ito sa batas…ano ngayon ang pagkakaiba ng mga pulis na ito sa pusakal na kriminal?

Hindi maaaring ikatwiran, parekoy, na ang kinakatay nila ay mga taong pusakal.

Ang punto ay labag sa batas ang kanilang ginagawa!

Para sa akin, mas mapanganib ang mga pulis na pusakal kesa ordinaryong pusakal, Dahil may sapat na kaalaman sila sa batas na dapat sana ay kanilang ipinatutupad.

At lisensyado silang mag-dala ng armas na siyang ginagamit nila sa isang krimen.

Gaya nitong sunod-sunod na naganap sa Maynila kung saan basta na lang kinakatay ng ilang kriminal na pulis ang ilang mga kriminal sa halip na sila ay papanagutin sa ginawang paglabag sa batas.

‘Huwag ninyong isipin, parekoy, gusto nating beybihin ang mga pusakal na sangkot sa “nakaririmarim  na mga krimen.”

Ang sinasabi ko ay pananagutin sila sa batas at hindi yung inilalagay ng mga pulis sa kanilang kamay ang batas.

Dahil delikado ang ordinaryong mamamayan kung ito ay nakasanayan nila!

Pero kung talagang gusto ng mga pusakal na pulis na katayin diretso itong mga pusakal ay dapat silang magpakalalaki!

Ibig sabihin, parekoy,  mas hahangaan ko sila kung aaminin nila na kaya nila pinatay ang mga kriminal na ito dahil sa kanilang paniniwala na walang puwang ang nasabing mga kriminal na manatili pa rito sa daigdig ng mga buhay!

Hindi yung magtatago pa sa kasinungalingan na kesyo nang-agaw ng baril! Pwe!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply