20 rice dealers, ipinaaresto ng Senado

HINDI natuwa si Senate President Juan Ponce Enrile sa inasal ng 20 kataong inimbitahan ng Senate committee on agriculture upang dumalo sa isinasagawang pagdinig na naunsiyaming pagpupuslit ng 420,000 sako ng White Indian Rice sa Subic Freeport.

Nitong Miyerkules, kaagad inaprubahan ni Enrile ang mosyon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan upang ipaaresto ang mga sumusunod matapos mabigong dumalo sa pagdinig kahit natanggap ang ipinadalang subpoena:

1.       Emily Alabado, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro Inc.
2.      Crisanta Reyes, Malipampang Concern Citizens Multi –Purpose Cooperative
3.      Elpidio Mendoza, Sili Multi-purpose Cooperative,
4.      Maximo M.  Hernandez, Samahan ng Magsasakang  Kapampangan at Katagalugan,
5.      Juanito A. David, Kapatirang Takusa Multi Purpose Cooperative,
6.      Atty Eugene Guiang Pioquinto, Atty-in-fact for Nemic Fusion Rice and Grains Enterprises, West Point Rice and Cereals Enterprises, and St. Dominique Rice and Foods Enterprises
7.      Michael H. Villanueva, Jaded Ranch Grains and Cereals Trading,
8.      Gil O.  Calipayan, King Casey Trading,
9.      Sandra Lime, Lexant International Trading,
10.   Mary Joyce Lim, Loui London Trading,
11.    Williy Sy, Montevallo Enterprises
12.   Enigo Espiritu, Nemic Fusion Rice and Grains Enterprises
13.   Jason C. Colocado, Pure Country Trading
14.   Dennis Gonzales, St. Dominique Rice and Foods Enterprises
15.   Jenny A. Reyes, West Point Rice and Cereals Enterprises
16.   Ricardo R. Gatuz, Formosa Mutlipurpose Cooperatives
17.   Juanito Evangelista, Riverview Multi-Purpose Cooperative
18.   Ronaldo S. Valdez, Sitio Muzon Farmers Multi-Purpose Cooperative
19.   Zenadia Abanio, Sta. Cecilia Multi-Purpose Cooperative
20.  Felix Villena Sr., Ugnayan ng Magsasaka sa Kaunlaran

Nasa listahan naman ng inimbitahan ang mga sumusunod ngunit hindi nakatanggap ng subpoena:

1.      Efren John C. Frac, Chon Buri Trading
2.      Jeffrey C. Daradal, Mahindra Rice and Food Trading
3.      Jupiter S. Ong, Red Mountain Grain and Cereal Dealer
4.      JennyR. Alfonso, Wish Granted Enterprises
5.      Michael Cao, Zwings Grains and Rice Enterprise

Tanging si Jane Artuz lamang ang hindi ipinaaresto ng komite matapos dumalo sa pagdinig.

Dahil dito, inatasan ni Enrile ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naturang mga indibiduwal na hinihinalang sangkot sa malakawang smuggling ng bigas sa bansa.

“Malamang may itinatago sila kaya hindi sila nakadalo sa kabila nang pagpapadala ng subpoena,” ayon kay Enrile.

Idinagdag pa ni Enrile na kapag naisumite na ng NBI ang kanilang report hinggil sa sabwatan sa mga ipinaaresto ng komite, saka magdedesisyon ang panel kung ano ang gagawin ang kanilang imbestigasyon.

“We need to know who are behind these anomaly, we must unmask them,” ayon kay Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply