2012 Manila Auto Salon

ANG premiere styling and tuning event, ang ika-6 na MANILA AUTO SALON ay kakasahin na sa Nobyembre 29 hanggang December 2, 2012 sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City. Muling inaasahan na mag babanggaan ang mga nangungunang shops sa larangan ng automotive aftermarket industry sa Pilipinas.

Dahil ang mananalo ay mapipili sa pamamagitan ng isang judging panel, ang mga malaking custom car shops tulad ng Autoline Motorsports, A-toy Body Kits, Concept One, 199 Off Road House, FM Garage, JWorks Unlimited, Jeff’s Off-Road Shop, Speedlab, Starbright Body Kits at iba pa ay nasa red alert bawat taon sa pagpapakita ng kanya kanyang kakayahan.

Taon-taon, ang MANILA AUTO SALON ay nagpapakita ng pinakamahusay at pinakamagandang mga disenyo sa car tuning at customizing sa bansa. Marami sa mga kalahok ay nagtrabahong manalo sa mga mga mas maliliit na mga kompetisyon sa bansa. Pagkatapos ng bawat panalo, ang mga may-ari ng kotse ay nakakakuha ng karagdagang kumpiyansa at prestihiyo upang marating ang pinakamalaking event na ito, ang Manila Auto Salon.

Para sa 2012, magkatabi ang MANILA AUTO SALON sa isa pang malaking kaganapan, ang ika-20 na Defense and Sporting Arms Show, ang pinakamalaking gun show sa bansa. Siguradong magdadala ang dalawang event ng mahigit na 100,000 na manonood.

Suportado ang ika-6 na MANILA AUTO SALON ng BusinessMirror, BusinessWorld, Chinese Commercial News, Daily Tribune, Manila Bulletin Drive, Malaya Business Insight, Manila Standard Today, Manila Times, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Radio High 105.9, RJ 100.3, 105.1 Crossover, DZRH 666, DWIZ 882, DZRJ 810, Inside Motoring, Home Radio 97.9, Easy Rock 96.3, C! Magazine, Power Wheels Magazine, Speed Magazine, Top Gear Philippines, Solar Sports, Basketball TV, Auto Review, Stoplight TV, Pinoy Extreme Channel – Live Broadcast Media Partner, ABS-CBN TFC Bro Channel, Auto Focus, Motoring Today, Sunshine TV, Turbo Zone, Autoindustriya.com, Kotse.com, Topgearcom.ph, 88DB, Tsikot.com, CustomPinoyRides.Com, Pinoy Speed sa Mga Pahayagan, Cafe Puro, Padi’s Point, LazerMaxx Laser Tag Arena, Gotcha Paintball Adventure Games, Rexona at Selecta Ice Cream.

Maaaring bilhin ang tickes sa halagang P100 – adult, P80 – seniors and P50 – child sa lahat ng SM Ticket outlets at sa mismong SMX Convention Center. Para sa karagdagang impormasyon, maari kayong tumawag sa Tradeshow International Inc. Sa tel. nos. 671-8381, 671-8382.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply